‘Yung tipo na akala mo ikaw na ‘yung puputungan ng korona…
‘Yung tipong akala mo ikaw ang mag-uuwi ng grand prize…
‘Yung tipong akala mo ikaw si Jack ng “Titanic” at sisigaw ng “I’m the King of the world!”
‘Yung tipong akala mo ikaw ‘yung huling hahalakhak…
‘Yung tipong akala mo ikaw na ang uubos ng masarap na ulam kasama ng bandehadong kanin…”
Pero ang na sa’yo koronang tinik…
walang papremyong binigay
Hindi ka si Leonardo di Carpio at sobrang malayo ang mga hitsura nyo
Kinabag ka kakatawa
Naubos ‘yung ulam at marami pang natirang kanin…
Saan ka ngayon pupunta? Nganga.
“If you expect nothing from somebody, you were never get disappointed.”
Sa dinami rami ng mga bagay na pwede mong asahan, subukan mong pigilan.
Ang magagawa mo lang ay gawin ang mga kaya mong gawin. At depende na sa’yo kung matatalo ka o mananalo. Tanggapin na wala na ito na kahit mahirap bitawan, kailangan mong panindigan. Lumakad kahit walang makita, piringan mo ang ‘yong mga mata. Subukan mong lumakad mag-isa, tanggapin na walang wala ka ng pag-asa. Minsan kung kailan ka nakasubsob sa lupa, doon ka may pagkakataong tumingala.
Hindi ka nag-iisa. Maaring sa pagbabasa mo nito, may isang taong sa kabilang panig ng mundo, parehong oras, nakatitig din sa blog ko tapos pareho kayong nag-e emo.