Design a site like this with WordPress.com
Get started

Sa Ngalan Ng Pag-ibig

Ito ay base sa isang awit. Habang ako ay paulit-ulit sa mga tono at tinig ng bokalista ng December Avenue. Habang isa-isang tumatama sa akin ang mga salitang bigkas ng dating pag-ibig at mga alaala mo…

Tatlong buwan na ang nakalipas mula ng nagdesisyon kang tapusin ang ating walang hanggan. Tinalikuran ko ang mga nabuong pangarap, pinatay kong pilit ang mga pag-asa… pag-asa kong tayo ay tuluyang magkakasama nang malapit. Na makikita ka kahit anong oras na hindi ko kailangang maghintay sa paggising mo at ikaw sa pagtatapos ng araw ko. Na magkakasama tayo nang walang malayong distansyang pisikal kasi abot kamay na lamang kita. Na magkakasabay tayong magsimba tuwing Linggo dahil pipiliin natin lagi ang Diyos sa lahat ng bagay.

Tatlong buwan simula nang pinili kong lumayo dahil hindi ko na rin mapapatawad ang sarili ko sa paghahabol ko kung nasaan ka na. Na kahit walang kasing sakit iwan ang isang pang habam-buhay ko, ginusto ko na ring maging sakim at sagipin ang sarili ko. Na hindi madaling lumayo sa isang tanong na hindi mo binigyan ng kasagutan… isang sagot na hindi ko na rin ginustong malaman.

Tatlong buwan simula nang bumagal ang mga araw ko na gigising ako at pipikit na tanging mga alaala mo ang dumadalaw sa isipan ko… ikaw at ako, noong meron pang “tayo.” Sa bawat dalangin ko, hiling ko na sana sa kabila ng mundo ay ipinapanalangin mo rin ako. Sa bawat pag-usal ko ng dasal, walang ibang hiling ang puso ko kundi ikaw at ako na sana hanggang huli. Pero bakit ganoon ang nangyari?

Tatlong buwan simula nang pinagbigyan ko ang hiling mong paglaya sa pag-ibig na nagkukulong sa’yo. Pasensya na, na ang dating pagmamahal ko na nagpapaligaya sa’yo ay mistulang naging isang preso. Nais ko lamang ay ang kaligayahan mo at totoo sa akin na makita kang ngumingiti, hindi pilit at walang bahid ng pagkukunwari.

Tatlong buwan simula nang ipinaubaya kita sa kanya. Na kahit durog na durog na ang puso ko sa sakit na malamang may iba ka na, ginusto ko pa ring nasa maayos ka, kasi mahal kita! Minahal kita… Isinulat ko ang mga bagay na hindi ko nagawa at inihabilin sa kanya… sa kanya na magpapatuloy ng kinabukasan ko sana.

Tatlong buwan sa ngalan ng pag-ibig ko, pinalaya kita kahit na ito’y nangahulugan kailangang mamatay ng puso ko. Sa ngalan ng pag-ibig ko, hindi na ako nagtanong kung bakit pa kasi kitang kita na sa ‘yong mga mata ang panibagong ligaya. Sa ngalan ng pag-ibig ko, pinilit kong bumangon para sa panibagong taong handang mahalin ang bagong ako.

Hanggan sa dulo ng ating walang hanggan.

Hanggang ang puso’y wala ng nararamdaman.

Kahit matapos ang magpakailanpaman

Ako’y maghihintay sa Ngalan ng Pag-ibig

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

%d bloggers like this:
search previous next tag category expand menu location phone mail time cart zoom edit close