Design a site like this with WordPress.com
Get started

Sino Ako?

Tanong mo rin ba sa sarili mo?

Bihira ang may oras para kilalanin at tanungin kung sino ba talaga siya. Kadalasan mas busy ang mga tao kilalanin ang crush nya. Mas abala ang mga taong kilalanin kung sino ‘yung nasa blind item at kung sino ‘yung nasagasaan sa balita sa radyo at tv. Minsan, mas alam mo pa ‘yung nakakapagpaiyak o nakakapagpasaya sa mahal mo kaysa sa makakapagpasaya sa’yo.

Kapag namatay na ako, hahayaan ko bang i-define ako ng tao kung sino ako? Hindi. Kaya gusto kong kilalanin ang ako ngayon habang humihinga pa ako.

I am one ironically strong person. Why ironic? Because I am so vulnerable, I am powerful. 

Ngayon, I’m imagining myself attending my own funeral and I was wondering what would they tell for my eulogy. So, before everyone starts their own eulogy for me, let me begin my eulogy for myself.

Si Holy, astig yan! Hindi ‘yan papayag na magpatalo o magpalamang sa iba kasi alam nya ‘yung kapasidad nya bilang isang matalino at madiskateng tao. Minsan lang, nade-depress, napu frustrate, kasi ang taas ng standards! Perfectionist pero in-denial. Ayaw nyan ng nape-pressure kasi ang hindi alam ng mga tao, times ten pa ‘yung pressure na ibinibigay nya sa sarili nya.

Si Holy, sobrang ingay kapag nasa inuman kasama ng mga piling mga kaibigan o kahit walang alak akala mo lasing sa kaingayan. Hindi nga nagpapatalo eh! Kaya kapag nagkikita-kita, kailangan sya ang bida. Siya lagi ‘yung may pa-kwento, may bagong balita. Siya ‘yung nagdudugtong sa barkada. Siya ‘yung entertainer na kailangan, walang ma a out-of-place. Lahat kasama!

Kung gaano kaingay si Holy, ganun din sya katahimik. Ganun din sya nakakabingi kapag nalungkot. Hindi magpaparamdam, hindi makikipag-usap. Hihintayin mong kausapin ka nya kasi kapag hindi na nyan kaya ‘yung mga tanong sa utak nya, mag approach yan sa’yo. Tapos bubuhusan ka ng sangkatutak na malalalim na tanong na minsan mahirap sagutin ng kakarampot mong brains.

Malalim si Holy. Sa sobrang lalim, nakakalunod minsan. Naisip ko siguro, nalulunod din sya sa sarili nyang mga tanong eh. Marami syang pinapakita na pagka abnormal pero kapag sumeryoso, makikita mo na sobrang dami pa pala nyang itinatago at hindi pa ibinibigay na pagkatao nya. Kailangan mo ng salbabida, kasi ikaw sa sarili mo, mapapaisip ka.

Sa mga naging ex ni Holy na nandirito ngayon. Alam nyo naman siguro kung paano magmahal si Holy. Masakit na masarap… lalong lalo na sa mga babaeng nasaktan nya. Malamang matatawa na lang kayo ngayon pero aminin nyo rin na sobrang naging maligaya kayo sa pagmamahal na ibinigay nya. Kasi, totoo. Mapusok man minsan, pero totoo. Kasi, punum-puno ‘yung puso nya ng pagmamahal. Na sa sobrang puno, andame nyang minamahal! Kaya minsan, inaasahan nya rin na maraming magpupuno ulit pabalik sa kanya. Kaya rin siguro mabilis syang magpatawad. Karamihan sa exs nya, nagtataka bakit friends pa rin sila kahit mayroong mga nanakit sa kanya.

Hindi ko alam kung paano si Holy nakasurvive sa mga heartaches at hardships na pinagdaanan nya na hindi naman na nalaman ng mga close friends at family nya. Kasi hanggat maari, sinasarili lang nya. Kasi ayaw nyang maging pabigat. Kung kaya nya, sa kanya na lang ‘yun.

Sa pamilya ni Holy, siguro tingin nyo iba ‘yung ipinakita nya sa inyo kaysa sa mga kaibigan nya. Pero sa totoo lang, kung ano si Holy sa bahay, ganun din sya sa barkada nya. Kasi sabi ko nga, mapagmahal sya. Kung itinuring nyang pamilya ang barkada nya, paano pa kaya siya sa pamilya? Hindi man sya naging showy siguro, pero Holy will definitely sacrifice everything for family.

Siguro hindi alam ‘to ng maraming tao pero kakaiba ‘yung pananampalataya ni Holy sa Diyos. Bagay na bagay nga ‘yung pangalan nya sa kanya eh. Hindi lang din halata sa mukha nya kasi laging nakasimangot tapos mukhang seryoso, andame pang tattoo. Pero kapag si Holy ang nagsalita about kay Lord, magbabago rin ‘yung pananaw mo. Hindi dahil magaling lang din syang influential pero kasi alam mong galing sa puso.

Hindi perpekto si Holy. Ngayong inaalala natin ang simula ng habam-buhay nyang pag gabay sating lahat at pagjo-joke-time satin kasama si Lord, gusto ko lang maalala sya bilang siya. ‘Yung ironically strong person na sobrang mapagmahal at mapagpatawad.

Gawa ka na rin ng eulogy mo bago pa may ibang mag-define sa’yo!

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

%d bloggers like this:
search previous next tag category expand menu location phone mail time cart zoom edit close