Design a site like this with WordPress.com
Get started

Korean Apocalypse

“Kaboom!”

“Kabaaaaam!”

Mausok.

Maingay!

Parang New Year sa mga sumasabog na kung anu-ano. Police Sirens were ringing at halos lahat nagko-Korean! Ang mga Korean militar ay naka-orange na parang pang ninja. Pasok, Naruto! Ay, Japan pala ‘yun (insert korean peace sign).

Bombs and explosives were over the place. It was a total chaos! Maririndi ‘yung utak mo sa ingay ng mga pasabogTinalo pa ang pasabog ni Catriona Gray sa Lava walk!

“JuskooOOo! ‘Yung bataaaa!” Sigaw ng naka-daster na nanay habang di pa nakapag-suklay. Pawisan ang kanyang nanlalagkit na kili-kili.

“Bilith. Takbo na kayo bilith!” Ang sabi ni Cardo.

Together, You and I were running away from all the Korean military who were chasing us! A lot of chasing were happening at ambilis ko tumakbo! While we’re running, I cannot help but stare at you on how much grace you can do while running! Para akong nanlalambot sa mga mamasel mong legs. Jusko, how to be you po?

At that very moment, I had the urge to tell you…

“I love you!”

At bilang sagot, ngumiti ka lang… tapos may sinabi ka.

“Kaboom!”

“Kabaaaaam!”

Hindi ko narinig kasi may sumabog bigla.

Oh diba? Nganga. 

However, ramdam na ramdam ko ang nagsusumigaw kong kilig.

“Sa kalagitnaan ng Korean Apocalypse, nagawa mo pang maglandi!” Saway ng utak ko.

Hanggang sa kakatakbo, nakarating tayo sa bahay ng friend kong itago natin sa pangalang, Linn.

The room was small and in that small room were my distant relatives and family. May mga nag-iinuman sa labas ng bahay at nagawa nilang mag-inom sa apocalyptic location.

You and I were hiding kasi I don’t want others to know that I’m with someone new.  I mean new girl but not yet a partner. Pero nagpa conference yata si Linn at alam na halos ng buong barangay! Rachel, my classmate who was in Canada came in sa bahay.

Rachel, si You, girlfriend nya!” Walang pakundangan na pahayag ni Linn.

“Kaboom!”

“Kabaaaaam!”

Sumabog ang utak ko sa pagtanggi.

Habang nagkakagulo ang mga militar sa labas ng bahay ay nagkakagulo rin ang mga veins ng puso ko sa nerbyos sa kadahilanang hindi ko alam ang magiging reaksyon mo sa sinabi ng madaldal kong friend.

“Di ba wala pa tayong selfie?” Binasag ko ang katahimikan at kung pahihintulutan ako ay gusto ko ring basagin ang pagmumukha ng friend ko sabay sabunot na rin sa bangs.

Kinuha ko ang cellphone at masaya na sana ako nung pipindutin ko na ang shutter nang…

“Sama ako!” Sumingit si Linn sa maganda na sana nating couple shot.

Sa pagkakataong ‘yun, gusto ko nang gawing reality ‘yung pagbasag talaga sa mukha nya.

“Click!” Ang ingay ng i-phone.

Perfect groufie and nangyari. Nakangiti kayong dalawa habang ako ay naka-eyeroll.

Fast forward.

Bigla na lamang sa di ‘ko maipaliwanag na pangyayari ay nagkahiwalay tayo! Napunta ako sa isang malawak na lupain na punum-puno ng mga orange-wearing-Korean ninjas!

Hindi ko na alam ang gagawin ko dahil napapaligiran ako ng mga militar at anytime, alam ko kukunin na ako ni Lord at magbubunyi ang mga beneficiaries ng insurance ko. Gusto ko ng mag-gyomi na lang or mag hallyu wave!

“Ting!” Ang sabi ng light bulb.

Isang aha moment na magpanggap na isang korean! Kaya nag anyonghaseoyo ako everywhere habang naglalakad palayo sa mga kimchi lovers.

Lakad.

Takbo.

“Kaboom!”

“Kabaaaaam!”

Pawis na pawis na ko at hindi pa naman ako nakapag-deodorant! Pakiramdam ko hindi lang bomba ang sumabog, pati na ang kili-kili ko ay sumabog na rin. Jusko!

Sa kakatakbo ko at sa kabila ng pagkakagulo ng mundo, nakita ko ang pinsan kong si Vanvan na chill na chill na nakahiga habang naka-shades ala Blade.

“Pinsan! Nagkakagulo na ang mundo bakit lying down ka lang ‘dyan?!”

“Huh? May gulo ba?” Ang sabi niya habang inaayos ang shades.

“Tara na!” Namumutok pa ang ugat ko sa noo sa pagsigaw.

“Alam ko kung saan ang daan para makatakas!” Ang sabi ni Blade.

Bumaba kami ng hagdan at pumasok sa isang kwarto. Only to find out na mata-trap kami ng mga orange-wearing-Korean ninjas!

Isa-isang nagsusulputan ang mga tin cans na parang butane at alam ko sa sarili ko, katapusan na namin! This time totoo na talaga! Nagsisikip ang dibdib ko at alam ko ay maluwag naman ang suot kong bra.

“Kaboom!”

“Kabaaaaam!”

‘Yun ang inaasahan kong mga susunod na mangyayari ngunit sumingaw lang ang mga tin cans.

“Anyare?”

May lumapit sa aming isang orange-wearing-Korean ninja.

“Sige na Tumakas na kayo!” Ang sabi ng ninja.

Hindi ko alam kung saan ako magugulat. Kung doon sa pinatakas nya kami o dahil sa nagtagalog sya.

Hindi ko na hinintay ang kasagutan dahil baka abutan pa kami ng probinsyano. Kaya dali-daling tumakbo na kami palayo. Pagkasaradong pagkasarado ko ng pintuan palabas…

Someone called me behind the walls.

“Psst!”

Lumingon ako.

Kanan.

Kaliwa.

“Kaboom!”

“Kabaaaaam!”

Patuloy pa rin ang putukan. Shet. May nag-cum na yata.

“Sino ‘yun?” Tanong ko sa sarili.

Hanggang sa napadikit ako sa pader at napagtanto ko na ang boses ay nanggaling sa likod ng pader! Sumilip ako pero wala akong makita. Pulido ‘yung pagkakagawa ng karpintero.

There should be a hidden door somewhere.

“Push mo yan, teh!” Ang sabi ng boses.

Itinulak ko ang pader at nalaman kong reversible pala ito! Amazing! 

Bumulaga sa akin ang mga officemates ko, mga taong hindi ko na matandaan at mga taong hindi ko kilala. Ang pader na ‘yun ang mistulang hidden refuge ng mga casualties ng apocalyptic environment. I tried looking for Sandra Bullock pero Bird Box pala ‘yun so wala sya. Aw!

Shookt pa rin ako pero nagawa kong itanong kay Sheerah na siyang tumawag saken.

“Kita nyo ang mga nangyayari from here?” Tulalang sabi ko.

“Oo, sumisilip silip lang kami sa pader.” Ang sabi ng mabait na boses ni Sheerah.

Gusto ko pa sanang itanong…

“Paano? Eh solido ‘yung pagkakagawa ng karpintero?”

Pero nagising na ako mula sa isang 12-hour sleep at sinubukang isulat ang mga napanaginipan ko. Pinamagatan ko itong “Korean Apocalypse.”

“Kaboom!”

“Kabaaaaam!”

%d bloggers like this:
search previous next tag category expand menu location phone mail time cart zoom edit close