Design a site like this with WordPress.com
Get started

Pizza, Lechon at Siomai Erotika

Binuksan ko ang box. Sumama ‘yung cheese paghugot ko sa’yo.

Shit.

Dumikit. Dumikit ‘yung malagkit na kesong nakapatong sa katawan mo. Nilasahan ko ‘yung bacon… kasama ng mamantikang rekado sa ibabaw ng triyanggulong hugis ng kasarapan mo. Nagsalubong ang mga gigil kong ngipin sa gitna at alam ko, sa pagkakataong ‘yun nadama ng malambot mong katawan ang aking pananabik na matikman ka. Nagsama ang laway at ilang cavities. Napapapikit ako sa sarap ng mga nagpa party na lasa ng mga cholesterol na dulot mo sa katawan ko. Napapagalaw ng bahagya ang mga paa ko at umugoy-ugoy at kuyakoy dahil sa ligayang nadarama ko sa tuwing isusubo ko ang mga piraso ng pinagsama-samang harina para mabuo ka. Animo’y walang hanggang ligaya sa sikmura ko ang kusang papawi sa pagkagutom ko sa’yo.

Kumuha ako ng sili at suka.

Bigla akong napailing sa paglalaway nang makita ko ang hubad mong katawan. Ang mga siling luntian, mga luyang dinurog at mga mumunting rekado na nagbibigay ng banayad na anghang sa’yo. Dumakot ako… ng kanin at dumampi sa mga palad ko ang init. Napaso man ako sa alab nito ay ipinikit ko ang mga mata at sa tukso ay hinayaan ko… hinayaan kong kamayin ka at kainin na. Parang lumilipad ang ulo sa kawalan at dinala ako sa tuktok ng kaligayahan nang masamsam ng mga labi ko ang malasa mong timpla. Sumirit ang katas ng sebo sa iyong katawan at hindi ko pinagsisihan nang sipsipin ko pa rin ang mga naiwan. Ayoko na sana pero ako’y nasarapan pa! At muli, dinakot ko ang kanin, isinawsaw kita sa suka sabay subo at nguya! Langit!

Piniga ko ang kalamansi.

Sinaid ko unti-unti ang maasim na katas gamit ang tinidor. Isinama ko ang toyo at hinalo-halo gamit ang nanginginig kong mga kamay.

Maalat.

Maasim.

Doon ay naisipan kong lagyan ng kaunting anghang ang itim na likidong magpapabago ng lasa mo. Hinati ko ang sili sa gitna. Tumalsik sa aking mga mata ang maliliit na buto ngunit pinahid ko lang sa aking damit pagkatapos at dinedma ko na. Patuloy ang ligaya!

Kinuha kita at dinildil ko sa sawsawang naghihintay na saiyo. Pinagulong-gulong pa kita sa toyong may halu-halong parapernalya, hindi ka umiwas at hinayaan mo lang ako. Hanggang maya-maya at mapansin kong basang-basa ka na, kinain na kita. Isinubo kita nang buo at sinunod kong higupin ang toyo. Anghang!

Kahit na alam kong bawal, kumain ako at nagpadala sa temtasyon na dulot nyo. Hindi ko pinagsisisihan ang minsang kaligayahang magpapabalik sa akin araw-araw sa nakaraan. Sa bawat pawis sa gym na lumalabas, ako ay napapangiti na sa miminsang tukso, ako ay nagpadala at lumigaya sa inyo. Narating ko ang langit na minsan ay impyerno sa init na inyong hatid sa katawan ko! Binalot nyo ng cholesterol ang puso ko… plus 100 na rin sa kasalukuyang timbang ko. Na kahit na sabihin na iba na ako ay para nang lumba-lumba, ang hindi nila alam sa gabi, umaga at araw, ako ay lumiligaya sa piling ng aking mga pagnanasa…

Pagnanasa na tikman sila.

Pero ngayong ako ay nagbago na, hinding hindi na ako bibigay pa… sa pizza, lechon at siomai kasi ako ay healthy living na. Masarap lang naman kayo sa umpisa. Diet na!

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

%d bloggers like this:
search previous next tag category expand menu location phone mail time cart zoom edit close