Design a site like this with WordPress.com
Get started

Hindi Kita Inaasahang Dumating

Kung alam ko lang,

EH DI SANA NAKALIGO AKO.

Dumating ka noong mga panahong makulimlim ang langit,

Mabagal ang mga araw, tahimik ang paligid

at maasim ang singaw ng aking mga damit.

Wala ring ligo-ligo,

Walang toothbrush-toothbrush,

Walang palit-palit.

Hindi kita inaasahang dumating…

Kung alam ko lang,

EH DI SANA HINDI NA AKO NAGPAKIPOT PA.

“Nag-bell na’t lahat, wala ka pa?”

Ayun ang mga una kong sinabi ‘diba?

Sa bagal ng mga araw, tumatambay ako sa social media —

Facebook, Instagram, Grinder at iba pa.

Hanggang sa “HER” nakilala kita.

Hindi kita inaasahang dumating…

Kung alam ko lang,

EH DI SANA NAG-DIET AKO NANG SOBRA.

Dumating ka noong ginagawa kong buffet ang office pantry

Saksi ang aking teamates kung paano ko gawing tubig ang Sarsi

Meryenda ko ang kanin

at tatlong ulam ang nakahain.

Araw-araw akong nakikipagbuno sa butones ng pantalon ko

Kaya binenta ko, bumili ako ng bago

Kapag naglalakad ako sa lobby

Buti walang tumatawag sa’king “Jollibee!”

Tanging pagkain ang kanlungan ko

Kung pwede lang, I will say “I do.”

Hindi kita inaasahang dumating…

Kung alam ko lang…

EH DI SANA NAGPAGUPIT AKO.

“Dee, ang haba na ng hair mo.”

Dumating ka noong “what is suklay” sa akin

‘yung tipong after ligo, diretso lang, hinahangin.

Ang mga simpleng detalye sa buhay ko ay parang mga lugar sa Google Maps

hindi ko pinapansin na hahayaan ko lang ‘yung Waze ang magturo sa akin.

Maski susi ng bahay, ilang beses kong nakakalimutan

Pati petsa, buwan at araw, hindi ko na tinatandaan.

Hindi kita inaasahang dumating…

Kung alam ko lang

EH DI SANA HINDI NA AKO NAGHANDA.

Dahil hindi

rin kita inasahang

umalis…

nang

big

la

.

 

 

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

%d bloggers like this:
search previous next tag category expand menu location phone mail time cart zoom edit close