Design a site like this with WordPress.com
Get started

Mag- isa Ka Ba Ngayon?

Ako rin.

Pero alam mo? Okay lang talaga yan. May mga bagay kasi na dapat ‘yung mismo sarili mo lang ‘yung kinakausap mo. ‘Yung tipong parang lahat ng tao sa universe busy tapos wala kang makausap kahit na gustong gusto lumubo ng ulo mo sa dami ng mga tanong at impormasyon. Daig mo pa ‘yung encyclopedia.

Pikit ka. Diba madilim? Madilim pero nakakarinig ka. Sundan mo ‘yung sound, vibration at mga kaluskos. Malay mo, andun pala ‘yung liwanag. Eh teka, liwanag ba ‘yung hinahanap mo? Baka turo ako nang turo, gusto mo naman palang sa kadiliman mag lagi. Non sense.

Bakit ka mag-isa? Tell me. Wala kang pamilya? Check. Wala kang friends? Check. Wala kang ka-flirt? Check. Wala kang ka anu-ano? Check. “Kawawa ka naman. ” For sure, yan ‘yung sasabihin ng mga totoo mong kaibigan, i bu bully ka pa o kaya bibigyan ka ng kutsilyo. Tapos, magtatawanan kayo.

Naniniwala ka ba sa multo? May mga bagay na hindi nakikita ng ordinaryong mga mata, so hindi ka nag-iisa. Try mo tumingin sa ilalim ng kama.

Buksan mo ‘yung ilaw para medyo maliwanag. May cellphone ka ba? Magselfie ka. May laptop? Manuod ka ng youtube o kaya porn. Andami-daming pwedeng gawin para maramdaman mong ‘di ka nag-iisa.

Depende na sa’yo kung hahayaan mon talunin ng sarili mo ‘yung loneliness.

Depende na sa’yo kung magse self-pity ka.

Depende na sa’yo kung tatambay ka.

Ask for help. Tawagin mo si Batman, Superman, si Wonderwoman or kahit na sinong superhero na alam mo. Basta ako, Jesus is my Superhero.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

%d bloggers like this:
search previous next tag category expand menu location phone mail time cart zoom edit close