Design a site like this with WordPress.com
Get started

HER

Hindi na ako magpapaliguy-ligoy pa.

Sisimulan ko na sa dulo at tatapusin ko sa umpisa.

Nagsabi ako ng “Paalam Na” kanina na parang hanggang ngayon eh fresh na fresh pa.

Tumulo ang mga luha ko kasabay ng bawat patak ng metro ng postpaid plan ng cellphone ko na halos isang oras, nag-usap tayo.

Sinabi mo lang naman sa akin na may mahal ka na. Nagulantang ang diwa ko kasi, 3 days ago, ang akala ko, magiging akin ka.

Susubukan ko munang ibalik na parang may time-machine sa utak ko ang mga nangyari bago tayo natapos. Correction pala, there was never an uth!

Ika-20 ng Nobyembre, Martes nung unang tumunog ang cellphone ko para sa pag-accept mo sa invite ko. Ang nakalagay kasi sa profile mo, “The most interesting person that you’ll ever meet. Never boring.” Aba, na intriga tuloy ako.

Wala akong balak para sa mga kwentuhang walang patutunguhan.

Wala akong balak para magsayang ng data araw-araw.

Wala akong balak maging counselor at tawaging super friend.

At lalong wala akong balak na mahulog…

Mahulog ng paulit-ulit sa mga pagpapabebe mo…

Sumakay sa mga matatamis mong salita at magpaniwala.

Maru?

POK!

Ang laging paalala ng tropa ko.

Na everytime na ide-deny kong mahalaga ka na, lalo lang lumalala yung katotohanang mahal na yata kita!

Iniwasan kita nang buong lakas…

Hindi ako nagparamdam ng higit labindalawang oras…

Kasi naramdaman ko na, ikaw ‘yung tipo ng taong ayaw ko ng kumalas! Dinelete ko na rin ‘yung app, kasi ang totoo baka nakita ko na sa’yo ‘yung pang-walo.

Pero pagkatapos ng isa pa at dalawa, natagpuan kong tinatawagan na naman kita.

Sinabi mong “Na- miss kita!”

Hindi muna ako sumagot para exciting…

Sa isang patlang na katahimikan, sumagot naman ako ng “Ako rin.”

Lumipas pa ang mga araw, nagtaguan na tayo ng mga damdamin.

Magsisimula sa text message na “Good Morning!” with smiley. Tapos matatapos sa “Goodnight, Holy!”

Sa isang kapehan sa Banilad, tumambay tayo ng walo…

Walong oras, baka sakaling may forever tayo!

Nakadalawa tayong Marlboro, isang notebook at mga regalo…

Samahan mo ng kape at juice ko, tapos maraming tawa at luhang inilabas mo.

Walang pagsidlan ng saya ang ‘yong mukha, naiyak ka pa talaga sa tuwa!

Ako naman ay nahihiwagaan at bakit kung sa bakit ba ako ipinadala sa’yo ng langit?

Bago matapos ang gabing iyon, pinabaunan mo ako ng mahigpit na yakap habang ako naman ay baon na ang katanungan: Siya na kaya ‘yung sa horoscope?

“Sana ako ang Sabado at ikaw ang Linggo, para ikaw ang kinabukasan ko.”

Yan ang mga salitang nakalagay sa tsokolateng isinilid mo sa bag ko.

Kahit hindi ako mahilig sa matamis, kinain ko ‘yung chocolate with feelings!

Nag-dial ako sa telepono at doon nag-usap tayo.

“Ano ba ako sayo?” Tinanong ko habang ang mga kamay ko ay nanlalamig.

At tumigil ang mundo ko…  Habang pinapakiramdaman kung may themesong na magpe-play nang tulad ng sa Probinsyano. Oh, Cardo!

“Gusto kitang laging kasama.”

“Gusto kitang laging hinahanap.”

“I think, nagugustuhan na kita.”

‘Yan ang saktong namutawi sa mga labi mo. Sinabayan ko naman ng , “I feel the same.”

Nang mga oras din ‘yon akala ko may Chemistry at Biology!

‘Yun naman pala meron lang Math at magiging ZERO sa huli.

Nagpalitan pa tayo ng mga text messages. Isa pa ulit na bili ng kape, nakaipon na ko ng stamp sa ating suki. Naging tropa natin ang guard nung maulan na gabing ‘yun. Sabay tayong nagtawanan sa mga jokes kong pinulot sa mais-an. Ume-echo ang tawa mo sa buong kalsada at tuwang tuwa naman ako kahit kita na ang iyong ngala-ngala. Ang gusto ko lang eh… mapasaya ka.

Good Morning!” with smiley.

God will surprise you today, Holy!”

Sa ilang araw na dumaraan, lumalala ang aking nararamdaman. ‘Yung tipong hindi ko na maintindihan, hindi na ako makatulog sa higaan. Gusto kong mag-stress eating, mag-shopping, magwalwal at mag-gym! Then repeat.

Maru?

POK!

Ang laging paalala ng tropa ko.

Pero noong one time na nagdadasal ako, bigla ko na lang naipagdasal na sana magkamabutihan na tayo. Kasi, I wanna love eu!

Binura ko agad sa isip, kasi alam mo na, ayokong maging mapagsamantala. Naisip ko baka kailangan mo lang ng kasama, kasi ayaw na ayaw mong mag-isa. Marami ka pang problema na akala ko gusto mong gabayan kita ala Tita!

Lalo na at marupok ka, baka maging tayo, ang swerte mo pa!

Umalis ka at pumunta sa Iloilo. Tatlong araw mula noon. Hinahanap hanap ka ng puso ko na para bang may utang kang suklian ang pagka- miss ko sa’yo. Bigo ako at ang tanging naramdaman ko lamang ay ang panlalamig mo. Sabay sabi mo sa akin…

“Ang weird mo!”

Ang hindi mo alam, gustong gusto ng kumawala ng nararamdaman ko sa’yo! Rawr!

Huwag mo akong tanungin sa mga tanong na ako ay hindi ko rin maipaliwanag. Masyado bang mabilis? Believe me, mas mabilis pa kay The Flash! Pero pasensya na, wala akong sagot ha? Kasi ang alam ko lang talaga… eh ako’y nahulog na. Mahirap man paniwalaan, sana naman iyong naramdaman. Na sa bawat bigay ko ng isang baso ng tubig sa’yo, unti-unti ko na ring ipinagkakatiwala ang puso ko. Na sa bawat bitaw ko ng joke para mapatawa ka, tumataas ang confidence level ko na baka nga maging tayo na. Na sa bawat pagkakape natin, ay ang paglalaan ko ng oras kahit na hindi naman ako mahilig sa kape. Mahal eh! Na sa bawat araw na tutunog ang cellphone ko, inaasam ko na ikaw sana ‘yung nagtext at hindi SMART postpaid para sa utang ko. Na sa bawat pagkanta mo ng wala sa tono, gusto kong ako ‘yung laging aawit para sa’yo! Na sa bawat pagmamaldita at pagtanggi mo, gusto ko ng i-break ‘yung own rule ko!Na sa bawat araw na pakiramdam mo, ayaw mo ng lumaban, ang gusto ko, ako ‘yung laging nandyan. Na sa tuwing malalasing ka, ako ‘yung magbibiro sayong, “Ano, kaya mo pa?” Na sa bawat patak ng luha mo, dinudurog ang puso ko na kahit wasak na wasak pa ako, gusto kong buoin ‘yung sa’yo. Na sa bawat, simple mong pag ngiti, gustong gusto ko ng halikan ka sa mga labi. Na sa bawat bitaw mo ng mga hirit, hindi mo alam gustong gusto ko ng kumapit. Kumapit sa posibilidad na sana ikaw na ‘yung pang eight.

Ngayon. Kung paano naging mabilis ang mga araw na magkasama tayo, ganun naman naging kabagal ang mga araw ko. Nami-miss ko ang “Good Morning, Holy!” with smiley. Pero hindi na ‘yun ngayon importante. Kasi nga, sabi ko, “Mahalin mo siya nang faithfully!”

Kayang kaya ko ‘yung sakit. Mas mapait man ako sa ampalaya ngayon, lagi mong tatandaan, ang importante sa akin, ay ‘yung masaya ka. Uli, mahal kita.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

%d bloggers like this:
search previous next tag category expand menu location phone mail time cart zoom edit close