Ang mga kandila na ginagamit sa pagtingin ng galaw ng merkado ay isa sa mga pangunahing basehan kung bibili ka na ba or magbebenta ng hawak mong manok. Ang hirap magtagalog nang malalim, kaya hindi na ‘ko magkukunwari at ibabalbal ko na lang at i-taglish para mas magkaintindihan tayo. So, ayun na nga. ‘Yung mga patterns na ito ay napakaimportante para rin malaman mo, bilang isang estudyante ng merkado, kung ano ang sikolohiya sa kabila ng pagkakabuo ng mga kandilang ito. Ang mga malalaki at may mahahabang “wick” na kandila ay nagkakaiba ng kahulugan sa mga payat na kandila. Iba rin ang red o green na kandila.
Sa totoo lang, napakahirap tandaan para sa maliliit at nangangalawang kong utak ang mga ibig sabihin nito. Kaya’t minabuti kong gumawa na lang ng kwento tungkol sa kanila bilang hilig kong gumawa ng kwento. Kwentutero tayo.
Halina at kilalanin natin sila. *insert Sineskwela theme song*
Mr. Marubozu (Marubozu candle stick)
Si Mr. Marubozo ay isang Hapon na adik sa pag ggym kaya anlaki ng kanyang pangangatawan. Kumbaga, “buff” sya compared sa ibang mga candlesticks.
Kaya sya ay maituturing na pinakamalakas at “intense” sa lahat ng mga kandila. Bakit intense? Kasi kapag nakita mo si Mr. Marubozo, walang gray area sa buy or sell. SOLID na buy kapag green or SOLID na sell kapag red.
Maihahalintulad ko si Mr. Marubozo sa isang kalbong addict sa gym, clean cut. Wala syang candle shadow. Independent siya, kaya’t hindi nya kailangan ng “trend” sa buhay nya. Either good or bad mood lang si Mr. Marubozo pagdating sa market. Meaning, pwedeng green (bullish) or red (bearish).
Kapag nakita mo si Mr. Marubozo, pwede kang bumili na agad or magbenta ng shares depende sa ipinakita nyang mood (green or red) or pwede ka ring maghintay sa isa pang kandila para confirmation depende kung gaano ka karisk-taker.
Mr. Trump (spinning top)
Kung nakapaglaro ka ng trumpo noong bata ka, sya ‘yon. Lagyan mo lang ng isang matigas na buhok ‘yung trumpo. Ganun itsura nya. Pandak, maliit na biyas at ulo, sya si Mr. Trump.
Hindi tulad ni Mr. Marubozo, si Mr. Trump ay dependent sa kung sino ang katabi nya. Don’t judge. Hindi sya user, sadyang confused lang siya. Ito ‘yung kandilang hindi nagbibigay ng signal kung kelangan mo ng bumili o magbenta kasi kailangan mo talagang maghintay ng confirmation dahil si Mr. Trump ay laging undecided.
Kung bibili ka naman o magbebenta, mas maganda na 50-50 ang bet mo para hindi ka lugi.
Siguraduhin mo rin na nakaantabay ka sa merkado kung bibili o magbebenta ka kasama ni Mr. Trump dahil anumang oras, maaring bumaba o tumaas ang presyo ng shares.
Again, 50-50!
Paper Umbrella Clan
Ito ang angkan ng mga kandila na nagpapasimuno ng mga reversal pattern depende kung saan lugar sila ng merkado nakatambay (top or bottom). Nasa lahi nila ang MAS MAHABA TWICE ang lower part kesa upper ng shadow.
Mr. Hammer
Siya ay isa sa angkan ng mga paper umbrella na na isang bottomesa.
Yes, sa bottom ng trend sya makikita. ‘Yung paa ni Mr. Hammer doble ng haba ng katawan nya. Imagine ‘yung hammer ni Thor pero mas mahaba ‘yung hawakan. Ayun!Sya ‘yun.
Kapag nakita mo si Mr. Hammer sa downtrend (direksyon ng kandila), ibig sabihin, reversal na! Balik na kayo mga sizt. Bullish na ituuu, ganern.
Bukod dito, maari ring bumili ka na ng shares, at mag bet ng long. Bet mo long? (Omygad, natawa ako sa sarili kong joke!)
The Hanging Man
Hindi ko alam kung bakit s’ya nagbigti. Kapag nakakita ka ng taong ang haba ng katawan sa na duguan (red) sa ceiling, s’ya na ‘yun. Ang morbid no?
Gawin nating comedy. Ayan.
Since, sa ceiling sya nagbigti, sa pinakatuktok ng uptrend sya makikita, hindi sa ilalim ng kama, hindi sa banyo, sa pinakaitaas ng trend! Remember, kapag nakakita ka ng taong nagbigti sa ibaba ng trend, hindi ‘yun si Hanging Man, that’s crazy. Paano nasabit ang lubid sa ibaba? Humahaba ang chika.
So ‘yun na nga. Tulad ng sinabi ko sa Paper Umbrella Clan, nagbibigay si Mr. Hanging Man ng reversal na tapos na ang mga maliligayang araw mo, “PABABA NA ANG TREND!”
Take note: Pareho lang ng itsura ang hammer at hanging man. Sa pwesto at kulay lang sila nagkaiba. Bakit? kasi nga, same clan sila diba? PAPER UMBRELLA CLAN.
Popstar (Shooting Star)
Hindi sya kumakanta o sumasayaw ng “Tala” pero kapag nakita mo sya, kantahin mo na ang, “At kung umabot tayo hanggang dulo…” meaning abot ka na sa dulo ng pataas na trend. Humanda ka ng magbenta!
Hindi tulad ni Mr. Hammer, ang Popstar ay TWICE na may mas mahabang UPPER shadow kahit na anu pang kulay nya.
Kapag nakita mo ang Popstar, hanap ka ng shorting opportunity para makabenta, kung meron man sa Pinas. Pero balita ko, wala.
Meron pang mga kasunod ito. Antabay lang sa mga susunod na blog. Sana ay nakatulong ng kaunti kahit sa imahinasyon mo. Caveat!